A hodgepodge of posts encompassing various topics ranging from the very mundane to the absolutely insane. Timeline extends from my years in medical school and beyond.. It's a long journey, and you're welcome to tag along for the ride.
Wednesday, August 19, 2020
Spark
Sunday, August 9, 2020
Pessimist
I should be doing something far more important, nut a number of things weigh heavily on my mind.
2020 has been such a bad year... I don't even know where to begin.. So much tragedy abounds, and it shows no signs of relenting..
Can it be the end times already? Maybe.. I don't know anymore..
Such a shame that humanity will not be able to move on and be better.
I have kinda given up hope on humanity to be honest.. To say it in the vernacular, "hanggang diyan na lang talaga ang mga tao, hindi mo na maaasahang bumuti pa". To expect something greater from people is folly. I feel that people collectively will not be able to rise above all the selishness and stupidity that is so prevalent in the world today.
The ideals that they portray in Star Trek, about humanity coming together and working for the common good which allowed them to reach for the stars is simply not possible in this present situation. I feel that humanity has devolved so much that a critical mass of people being altruistic enough to put aside their differences to make the world a better place is simply not possible anymore.
The bad thing about social media is that it is universal, and gives a voice to those who do not deserve it. It provides a readily-accessible platform to those who seek to do harm. It allows ignorant people to pass on their stupid ideas to the world, and make themselves noticed not by their intelligence, but simply by being the loudest voice in the room. And the worst part of that? Other people would actually support these ideas. So yeah, I don't think humanity will be able to rise up from the muck, mainly because people are content to wallow in the mud.
I figured if you want people to be nicer to each other, you have to have solid values training, which comes with education (both in schools and at home). If you can't raise your brat to be a decent human being who is capable of caring about others, then you have no business making children, as you are just contributing to the cumulative jackassery of the human race.
Sorry to be so pessimistic, but I now think we are fated to wipe everyone off the face of the planet instead of coexisting peacefully. For as long as you have ignorant people (universal education is not a government priority in most banana republics, as poverty and ignorance can be used by despots to stay in power, just look at us) and selfish people who are unable to move beyond thinking about themselves, the countdown will continue for humanity's finite time on this Earth.
Thursday, August 6, 2020
FORWARDED - A Filipino Medical Frontliner's thoughts
Magandang araw po sa lahat,
Ako po si Brian S. Callanga, isang nurse sa isang COVID Hospital sa Manila. Ayaw kong gawin to pero sa tingin ko ay kailangan. Pinili ko ang social media dahil ito na ang best way para makaconnect ka sa maraming volume ng tao sa panahon ngayon. Wala naman na kasing nagbabasa ng dyaryo, sobrang busy na ng media sa dami ng kailangan nilang icover, pero ito na sana huling naisip kong paraan para maglabas ng hinaing ko.
Kanina bumili ako ng pagkain ko then I overheard other customers na naguusap about MECQ.
"Frontliners daw nagrequest niyan kasi magpapahinga sila"
"Frontliners din naman tayo, bakit di naman tayo napapagod"
"Pahirap naman yang mga yan"
"Pag naman pumunta ka sa ospital parang wala naman ding umaasikaso sayo"
"Susungit pa nang mga tao dun"
"Buti pa sila may sinasahod"
So ilan lang yan sa mga naalala kong words na mga sinabi nila. Bagong gising ako, galing ako sa nakakapagod na night shift, tapos gutom. Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko at kinuha nalang yung order ko at umalis.
So ganito nalang, let me give you people a glimpse of what we are doing sa loob ng hospital.
OR nurse ako, pero dahil kulang na sa tao, naassign nadin ako sa COVID Wards and ICUs. So ganito ang mga common na sinasabi o tinatanong ng patients namin,
"Sir, sana pala hindi nalang ako lumabas"
"Sir, sana pala naging mas maingat kami"
"Sir, sana pala hindi muna ako pumasok"
"Sir, yung asawa ko admitted din sa kabilang hospital"
"Sir, ang hirap pala ng ganito"
"Sir, nasaan na si Mama, bakit wala po akong kasama dito"
"Sir, pag ba namatay ako, paglalamayan paba ako?"
Take note, yan yung mga patients na nakakapagsalita. Most of them matatanda na halos naghahabol ng hininga nila. Yung iba nakatubo na.
Di ba kayo kinikilabutan? Kasi kami halos araw araw kinikilabutan at halos di na namin alam ang isasagot namin sa kanila.
Hindi po namin gusto na kayo ay hindi makalabas at hindi makapaghanapbuhay, hindi po namin kasalanan itong mga nangyayari. Kami po ang talo sa parehas na sitwasyon, kasi kapag hindi kayo nakakain ng tama, sa ospital din ang diretso niyo. Kapag naman nahawa kayo sa labas, sa ospital din diretso niyo. Gets niyo po?
So ECQ vs GCQ, nung ECQ, sobrang bihira ng trauma cases namin dahil walang gaanong tao sa labas. Then here comes the GCQ, may mga naging cases kami ng nasaksak, gunshot wounds, and recently bata na nabaril ng tatlong lasing. And we have to treat them as PUIs kasi wala na kaming chance na intayin ang resulta ng swab nila dahil kailngan na sila iOR. Tsaka try to look at the number of cases per day between ECQ and GCQ. Sobrang laki ng gap diba? Check it yourself, punta ka sa ncov tracker ng DOH, check niyo yung bar graph after June 1 (start of GCQ). At uunahan ko na kayo, after 2 weeks ng mECQ, may posibilidad na hindi baba ang cases kasi some people pwede magkasymptoms after 14 days dba? So lahat ng mga naexpose kahapon, pwedeng magbibilang ka pa ng 14 days. Baka kasi sabihin niyo na wala naman palang silbi ang mECQ kasi hindi naman bumaba ang kaso sa 2 weeks.
Nakakatakot diba? Wala pa yan kasi hindi na magkasya dito yung ibang kwento namin. So sana kilabutan na kayo. Sinasabi ko lang sa inyo kung ano ang realidad. Kung paano makita ang sitwasyon first hand.
Kaya sa mga nagcocomment about sa mga frontiliners and sa sitwasyon ng Pilipinas, punta muna kayo kahit sa ER lang. Para malaman niyo kung gaano na kapuno ang ospital. O iPM niyo ako kung may tanong kayo, rereplyan ko kayo hanggat may energy pa ako. At suggestion lang sa mga nagcomment sa social media posts about sa situation, kung hindi niyo naman naexperience first hand, wag nalang kayo magcomment please. Manuod nalang kayo ng mga videos ng cute na mga aso o pusa, o kaya ng tumatakbong ostrich sa gitna ng siyudad, makimine nlang kayo sa mga live japan surplus na nagaalok ng mga porselana galing japan, tingnan niyo yung mga ulam na post ng mga kaibigan nyo, ang daming pwedeng gawin sa social media kung ito lang talaga ang ginagawa niyo mula umaga hanggang gabi, kesa magcomment pa kayo ng wala nman kayong idea kung ano nga ba talaga ang nangyayari, kasi words can hurt too. Wag nating gawing toxic ang social media, kaya nga siya social media kasi ginawa ito to socialize with other people hindi para idown ang kapwa.
Kung gusto niyo lumabas, bahala na kayo. Pero I encourage all na wag na kung hindi naman importante, kung lalabas man magsuot ng facemask at shield, magalcohol kapag humawak sa mga bagay bagay, maghugas ng kamay kapag may chance, umiwas sa mataong lugar, paguwi maligo at ibabad na ang damit sa sabon at zonrox. Sana hindi namin kayo makita sa ospital. Basta gagawin namin lahat ng makakaya namin kung sakaling kailangan niyong maospital, pangako yan. Kasi mas gusto namin na mabuhay kayo kesa mamatay, kasi pag namatay kayo at may covid kayo, itatry namin kayong irevive, tapos kapag wala na talaga, iinform ang families tapos ibabalot namin kayo sa dalawang body bag, tapos cremate. Wala ng lamay lamay, wala nadin chance ang families na makita ang bangkay niyo. Di ako nanakot, again, yan ang realidad, nangyayari siya sa totoong buhay, okay? Siyempre walang video nyan sa facebook baka maghanap pa kasi yung iba. Alam niyo ba kung gaano kabigat para sa aming mga healthworkers yon? Tao din kami may awa din kami sa kapwa naming tao.
Konting background lang, since March pa ako di nakakauwi sa amin, sa family ko kasi nandun yung takot ko na baka carrier ako dahil halos araw araw kaming nakaharap sa mga covid positive. Para akong nagabroad. Ni sarili kong pamilya hindi ko masamahan sa ganitong mga sitwasyon, dont worry naaccept ko na yun kasi part na siya ng pagiging nurse, sinasabi ko lang para lang makita niyo yung reality.
Sobrang haba na nito and I hate to say this dito sa social media pero there's no better way to reach people out without any physical contact. Di ako mapost na tao pero this time people need to know para mahinto na yung mga misunderstanding about sa timeout timeout na yan. KAHIT KAILAN HINDI NAGPAHINGA ANG HOSPITALS. SAN KAYO NAKAKITA NG HOSPITAL NA SARADO KASI HOLIDAY. HINDI LANG KAYO MATANGGAP NG IBA KASI WALA NG PAGLAGYAN. PARA SA ATING LAHAT ANG ECQ NA ITO LALONG LALO NA SA INYO. KUNG PATULOY NA DADAMI ANG CASES BAKA SA HALLWAY NA KAYO MAADMIT BAKA UMABOT PA SA POINT NA KAILANGAN NIYO MAGDALA NG FOLDING BED PARA MAY MAHIGAAN KAYO, MAHIRAP O MAYAMAN.
To my fellow healthworkers, share your stories para malaman ng tao kung ano ba talaga ang ginagawa natin. Alam ko na meron pang mas malalang sitwasyon kaysa sa nararanasan ko. Stay strong, healthy and pray for the wellbeing ng buong sambayanan. God knows how we are doing our best to be a blessing sa bawat tao na nakakasalamuha natin.
Pahinga lang saglit,
Brian